Nananatili pa ring operational o gumagana ang mahigit 1,500 facebook accounts na pinangangasiwasaan ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan, matapos aniyang pakinggan ng social media giant na facebook ang kanilang apela.
Ayon kay Cascolan, hindi lahat ng kabuuang 1,585 na mga social media pages at networking sites na opisyal na pag-aari at pinangangasiwaan ng mga units at tanggapan ng PNP ay aktibong nakikibahagi sa mga netizens.
Pagtitiyak pa ni Cascoplan, mahigpit na minomonitor ng national head quarters at units ng PNP ang mga naturang account at pages para mapaalalahanan sa mahigpit na patakaran nila sa paggamit ng social media.
Dagdag ni Cascolan, natanggap na ng Trust and Safety Manager ng Facebook Asia Pacific ang kanilang request na maibalik ang mga tinanggal na account at pages dahil sa coordinated inauthentic behaviour.