Pumalo sa mahigit 150K katao ang inilikas at nawalan ng tahanan matapos manalasa ang bagyong Quinta.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office Chief Cedric Daep mahigit 120k sa naturang bilang ay mula sa kanilang lalawigan.
Aniya, 17k pamilya o katumbas ng 64k na indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa mga kaanak o kaibigan.
Sa lalawigan naman ng Sorsogon, sinabi ni Governor Francis Escudero na nasa 4k pamilya o 14k na indibidwal inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta pero unti-unti na rin anilang pinauuwi.
Samantala, nakapagtala naman ang Camarines Sur ng107 o mahigit 400 indibidwal na inilikas.