Umabot na sa 15, 328 indibidwal ang nabakunahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong special vaccination days mula Mayo a-11 hanggang a-13.
Batay sa datos na inilabas ng Bangsamoro Information Office, katumbas ito ng 60.11% ng target na 25K indibidwal na kailangang mabakunahan.
Sa unang araw na bakunahan, 3, 341 ang naturukan ng bakuna.
Umakyat pa ito sa 4, 988 sa ikalawang araw at 7, 099 sa ikatlo at huling araw.
Ang pagtaas ng bilang ay kasunod nang ipinatupad na “No Vaccine Card, No Entry Policy” sa BARMM para marami ang mahikayat na magpaturok at mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.