Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 17,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), na sa 17,382 ang bagong kaso kung saan nasa 3,528,796 na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Habang nasa 213,587 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 3,261,338 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa covid-19 matapos na madagdagan ng 35,382.
53,871 naman ang bilang ng mga nasawi sa Covid-19 matapos na maitala ang 70 na panibagong mga nasawi sa virus.
Samantala, nasa tatlo namang laboratoryo ang hindi nakapagpasa sa Covid-19 document repository system. —sa panulat ni Kim Gomez