Halos 18 milyong mag-aaral na ang nakapag-enroll sa bansa, dalawang linggo bago ang pagbubukas ng School Year 2022-2023.
Ayon sa Department of Education (DepEd), kabuuanng 17, 900, 833 mag-aaral ang nakaparehistro simula noong July 25 o sa pagsisimula ng Enrollment period.
Ang Region 4-A ang nakapagtala ng pinakamaraming enrollees na umaabot sa 2, 604, 227; sinundan ng Region 3 na may 2, 046, 017 at Metro Manila na may 2, 020, 134.
Sa bilang nang nagparehistro, 8, 235, 937 ang nasa Elementarya; 5, 789, 747 ang Junior High School; 2, 689, 000 ang Senior High School students at 1, 186, 012 ang nasa Kindergarten.
Magsisimula ang klase sa August 22 at matatapos sa July 7, 2023.