Tinatayang higit labing-walong libong reports ng child violations ang naitala sa bansa noong nakaraang taon.
Batay sa ulat ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center, mayroong 18,756 na naiulat na kaso ng child violation para sa taong 2023 kung saan 14,304 dito ay mula sa kasong rape at acts of lasciviousness.
Ayon kay CWC Executive Director Angelo Tapales, ang mga nasabing violations ay matagal ng ginagawa sa mga kabataan mula pa noong 2016.
Hinikayat rin ni Executive Director Tapales ang publiko na ireport ang mga kaso ng child abuse at iba pang uri ng paglabag sa mga karapatan ng mga kabataan sa Makabata helpline 1383. – sa panulat ni Alyssa Quevedo