Tinatayang higit 1K na distressed overseas Filipino workers mula middle east ang ini-repatriate na ng Department of Foreign Affairs.
Ayon kay foreign affairs Undersecretary for migrant workers’ affairs Sarah Arriola, dumating ang mga OFW sakay ng magkakahiwalay na chartered flights sa Metro Manila, Cebu at Davao cities.
Isinailalim ang mga balik-bayan sa RT-PCR tests at sasailalim pa sa mandatory quarantine.
Ito na ang ika-19 na repatriation flights ng kagawaran simula noong Hunyo, habang sampu pang flights ang inaasahan ngayong buwan. —sa panulat ni Drew Nacino