Umabot na sa mahigit 1,000 magsasaka ang naapektuhan ng shearline at iba pang weather disturbances sa bansa.
Batay sa ulat ng Department of Agriculture-DRRM Operation Center, kabilang sa mga naapektuhang lugar ang Mimaropa at ilang lugar sa Eastern Visayas region.
Pumalo naman sa 17.74 million pesos ang halaga ng napinsala sa agrikultura, na kinabibilangan ng palay; kamoteng kahoy; high-value crops; livestock at poultry.
Nasa 452 metrikong toneladang agriculture products naman ang hindi na mapapakinabangan.
Tiniyak naman ng D.A., na handa silang tumulong sa mga apektadong magsasaka. – Sa panulat ni John Riz Calata