Nagpabakuna laban sa polio ang mahigit 1,000 Malaysian Athletes at officials na makikilahok sa Southeast
Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa.
Ginawa ito ng Olympic Council of Malaysia (OCM) kasunod ng natanggap na sulat mula sa Philippine SEA games organising committee na nagsasabing mayroong polio outbreak sa bansa.
Ayon kay OCM Deputy President Datuk Seri Azim Zabidi, kailangan na mabakunahan ang lahat ng atleta at opisyal bago tumulak patungong Pilipinas.