Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 1, 591 ang bagong kaso kung saan nasa 2,793,898 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, 38,014 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Habang nasa 2,712,298 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 4, 294 at 43,586 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang na 186 panibagong mga nasawi sa virus.