Aabot na sa 3,788 indibidwal o katumbas ng 1,072 is pamilya ang nananatili sa evacuation center dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Taal batay sa datos ng Batangas Provincial Police Office.
Nagpatupad na rin ng force evacuation ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga bayan at lungsod na malapit sa bulkang Taal.
Kabilang dito ang Agoncillo, Laurel, Taal, Lemery, Balete, Cuenca, mataas na kahoy, San Nicolas, Talisay City at Tanauan City.
Sa ulat ng NDRRMC, aabot sa 2,565 na indibidwal o 709 na pamilya ang piniling manuluyan sa mga kamag-anak sa halip na manatili sa evacuation center.
Sa ngayon ay nasa 77 Barangay ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.