Mahigit 1,000 pamilya na ang nailikas ng provincial government ng Batangas simula nang mag-alburuto ang Bulkang Taal nuong isang linggo.
Ipinabatid sa DWIZ ni Ginoong Lito Castro, pinuno ng PDRRMC na nasa 1, 563 families o katumbas ng mahigit 5,000 indibidwal ang nasa mga evacuation center na.
Pinakamarami aniya silang nailikas kagabi matapos maitala ang mataas na pagbuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal na nasa mahigit 22,000 tons.
Tiniyak pa ni Castro ang patuloy na supply ng pagkain sa mga apektadong residente partikular yung mga nasa evacuation center.
Ayon pa kay Castro, kailangan pa nilang bumili ng dagdag na N95 mask para na rin sa proteksyon ng mga residente laban sa volcanic smog na ibinubuga ng Bulkang Taal.