Namamahagi ngayong araw ng mahigit 1,000 wheelchairs ang Aral, Kalinga, Alaga, Yakap (AKAY) Foundation para sa mga Persons With Disabilities (PWD) sa Lucena, Quezon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni AKAY Ambassador Dwight Henry Bayona, napagtagumpayan ng foundation ang pamamahagi sa Sta. Rosa, laguna.
Kabilang sa mga nabigyan ang mga senior citizen, may sakit na epilepsy at mga batang PWD.
Pinayuhan naman ni Bayona ang lahat ng mga PWD na tibayan at lakasan ang loob dahil hindi nagtatapos ang buhay sa pagiging PWD. —sa panulat ni Jenn Patrolla