Mahigit sa dalawa at kalahating milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng pagkagutom sa huling bahagi ng 2015.
Batay ito sa survey ng SWS o Social Weather Station mula December 5 – 8 sa 1,200 respondents.
Batay sa survey, 11.7 percent ng mga respondents ang nakaranas ng involuntary hunger, mas mababa ng apat na puntos sa 14.1 percent o tatlo at kalahating milyong pamilya na nakaranas ng gutom noong Setyembre.
Lumabas sa survey na lumiit ang bilang ng mga Pilipinong nagutom sa huling bahagi ng 2015 sa NCR, Luzon at Mindanao subalit tumaas sa bahagi ng Visayas.
Malacañang
Ikinalugod naman ng Malacañang ang resulta ng Social Weather Station survey na nagsasabing lumiit pa ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom sa huling bahagi ng 2015.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tumutugma ang resulta ng bagong survey sa SWS survey noong nakaraang linggo kung saan bumaba rin ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing sila ay mahirap.
Binigyang diin ni Lacierda na ipagpapatuloy ng Aquino administration ang pagsisikap upang maisama sa pag-unlad ang lahat ng sektor.
By Len Aguirre