Nakatakdang dumating ngayong linggo ang mahigit dalawang milyong COVID-19 vaccines.
Ayon kay Spokesperson Harry Roque, ang 813,150 doses ng Pfizer vaccine ay dadating bukas, Agosto 11, habang ang dalawang milyong doses ng Sinovac ay dadating naman sa Agosto 12.
Sa kabuuan, nasa mahigit 38 milyon na ang mga bakunang dumating sa bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico