Dumating na ang mahigit 2 milyong Astrazeneca vaccine mula sa donasyon ng COVAX facility ng World Health Organization kahapon.
Ipapamahagi ang 1.5 milyon sa mga tinurukan ng unang dose ng bakuna ng mga nagdaang buwan habang 500k doses naman ang ilalaan sa priority areas sa bansa.
Ilalaan ang mga naturang bakuna sa mga senior citizen at sa mga may comorbidities.
Samantala, pansamantalang ilalagak ang mga bakuna sa cold storage facility ng Marikina bago ipamahagi sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Magugunitang noong nakaraang Huwebes ng gabi dumating ang 1.1 milyong astrazeneca doses na donasyon mula sa bansang Japan.