Mahigit 2.5 milyon katao na ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan sa Africa.
Ayon kay United Nations Spokesman Stephane Dujarric, ito’y bunsod ng mga aktibidad ng Boko Haram sa Lake Chad Basin at gayundin ng counter-insurgency operations.
Sinasabing karamihan sa mga apektado ay ang mga mamamayan sa Nigeria, Cameroon, Chad at Niger.
Mahigit 1,000 paaralan na rin umano ang sinira ng Boko Haram ngayong taon.
By Jelbert Perdez