Mahigit dalawang milyong doses ng Pfizer COVID -19 vaccines ang dumating sa bansa nitong linggo.
Bandang alas-10 ng gabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang eroplanong may lulan ng 2,098,980 Pfizer vaccines.
Ang naturang bakuna ay donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax Facility.
Sa ngayon ay mahigit 100 milyong vaccine doses na ang natanggap ng Pilipinas mula sa pitong manufacturers mula noong Pebrero.—sa panulat ni Hya Ludivico