Hindi napakinabangan ang halos 2.3 million doses ng bakuna kontra COVID-19.
Sa tala ng National Vaccination Operations Centre (NVOC), nasa 75% o 1.7 million doses ang lumagpas na sa expiration date.
Gayuman, binigyang-diin ng NVOC na ang mga naturang bakuna ay bahagi ng mga napalawig ng manufacturer ang shelf life kung kaya’t maari pa itong magamit.
Samantala, nagpapatuloy pa ang inbentaryo ng NVOC sa mga nasabing bakuna.—sa panulat ni Mara Valle