Mahigit 20 gusali ang napinsala sa sunog sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao.
Ayon kay Senior Superintendent Adam Guiamad, Fire Marshal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, tinitingnan nilang anggulo ang power overload na maaaring naging sanhi ng sunog.
Bagama’t walang nasaktan o nasawi sa naturang insidente, tinatayang isang milyong halaga naman ng mga ari-arian ang napinsala.
By Jelbert Perdez