Patay ang 27 pilgrims sa stampede na naganap sa Hindu Festival sa estado ng Andhra Pradesh sa India.
Nagsama-sama ang mga deboto para maligo sa Godavari River bilang pagsisimula ng Maha Pushkaralu Festival.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente nang banggain ng mga unang set ng mga debotong naligo, ang iba pang pilgrims na palusong din sa ilog.
Nasa 24 milyong pilgrims ang inaasahan na makikibahagi sa 12 araw na festival.
Pinaniniwalaan ng mga deboto na ang pagligo sa ilog ay makakahugas sa kanilang kasalanan.
Karaniwan na ang stampede sa mga religious festival sa India.
By Mariboy Ysibido