Mahigit 20 pagyanig o volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Bulusan.
Ipinabatid ito ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum kaugnay sa pinaigting na monitoring sa nasabing bulkan na naglabas ng matinding abo kahapon ng tanghali.
Sinabi ni Solidum na posibleng pagtaas na rin ng alerto sa bulkan na ngayo’y nasa alert level 1.
Mahigpit ding binabantayan ng PHIVOLCS ang iba pang mga bulkan.
Sinabi ito ni PHIVOLCS Director Renato Solidum sa gitna na rin nang monitoring sa bulkang Bulusan na naglabas ng matinding abo kahapon.
Ayon kay Solidum, tatlong pagyanig ang naitala nila sa Taal Volcano sa Batangas.
By Judith Larino