Isinisi ng ilang biyahero ng Cebu Pacific ang napakahabang pila sa Immigration sa NAIA Terminal 3.
Ito ay matapos maiwan ng eroplano ang 29 na pasahero ng Cebu Pacific na patungo sana sa Singapore at Hong Kong.
Ayon sa mga pasahero, maaga silang nag check-in, subalit nabinbin sila sa mahabang pila ng Immigration.
Napag-alaman ng DWIZ na mayroong mahigit sa 8 flights kaninang umaga, subalit 8 Immigration officers lamang din ang naka-duty, dahilan para humaba ang pila.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)