Siyam (9) sa bawat sampung (10) barangay sa Metro Manila ang apektado na ng iligal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Arturo Cacdac Junior, sa kabuuan ay 20. 5 percent o 8,600 na mga barangay sa buong bansa ang mayroong user, pusher o mismong pagawaan ng droga.
Kaakibat ng laganap na droga sa komunidad ay ang paglobo naman ng krimen tulad ng pagnanakaw, gang rape at pamamaslang.
Kabilang sa mga itinuturong nasa likod ng pagpapakalat ng droga ay ang mga tinaguriang police iskalawag o ang mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng mga drogang kanilang nakukumpiska.
By Rianne Briones