Mahigit 200 Badjao na ang nakauwi na sa Zamboanga City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni DSWD NCR Director Irene Dumlao na nagsabing pinagkalooban din nila ng financial assistance ang mga ito.
Ayon pa kay Dumlao, may naiwan pang 71 badjao na nasa bagong pag-asa center subalit nakipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulang ahensya at local government units para makauwi na rin.
Nasa 231 na Badjao po ang binigyan natin ng financial assistance at sinagot po din ang kanilang ticket pabalik ng Zamboanga. Meron pong 71 na natira dito po sa balik-probinsya sa Bagong Pagasa center, kung saan meron diyan na 27 ay sa pamilya ng apat na nagpositibo sa COVID-19 at ang 44 naman po ay inendorso natin sa NCIC (National Crime Information Center) dahil base sa profiling conducted by DSWD atin pong napag-alaman na sila po ay…in Pampanga, in Laguna, Cabanatuan and Metro Manila ”, pahayag ni NCR Director Irene Dumlao.