Mahigit dalawandaang (200) migrants ang pinaniniwalaang nalunod sa paglubog ng dalawang barko sa bahagi ng Libya.
Ayon sa United Nations-International Organization of Migration, labindalawang (12) bangkay na ang narekober na inanod sa Lampedusa Island, Italy.
Karamihan sa mga nasawi ay nagmula sa West Africa na itinawid ng mga human trafficker o smuggler patungong Europa.
Dahil dito, mahigit 4,200 migrants na mula Africa partikular sa Libya at Syria ang nasawi dahil sa tangkang pagtawid sa Mediterranean Sea ngayong taon lamang.
Ngayong 2016 pa lamang ay halos 330,000 migrante mula sa mga nabanggit na bansa ang nakatawid sa Mediterranean kumpara sa mahigit 1 milyon noong isang taon.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP