Inihahanda na ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ang mahigit dalawangdaang (200) CCTV camera para sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Johny Yu, hepe ng MDRRMO, nasa kabuuang dalawangdaan at dalawampu (220) ang kanilang ikakabit sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon na magsisilbing mata sa nasabing aktibidad.
Nakahanda na din umano ang medical rescue team na aalalay sa prusisyon at magbibigay ng ayuda sa mga nangangailang deboto.
Samantala, inaasahang dadagsa ang milyong panatiko ng Itim na Nazareno sa araw ng kapistahan kaya’t nakahanda ang dalawangpo’t anim (26) na medical stations, apat (4) na command posts mula Quiapo, Luneta, Manila City Hall hanggang sa Headquarters ng Manila Police District (MPD).
Ito ay upang agad na makaresponde at makapagbigay ng serbisyo medikal.