Inihain na sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga petisyon para ideklarang nuisance candidate ang mahigit 200 kandidato sa 2016 elections.
Inirekomenda ng COMELEC Law Department sa en banc na ideklarang nuisance candidate ang 266 mula sa kabuuang 321 na naghain ng certificate of candidacy noong nakaraang linggo.
Kung matatandaan, 130 ang naghain ng COC para sa pagka-Pangulo, 19 sa pagka-Bise Presidente at 172 sa pagka-Senador.
Sa ilalim ng omnibus election code, maituturing na nuisance candidate ang isang kandidato kung nais nitong gawing katatawanan ang halalan.
Maituturing ding nuisance ang mga kandidatong mayroong kapangalan na kandidato at tumatakbo lamang para lituhin ang mga botante.
Nakatakdang ilabas ng poll body sa Disyembre 10 ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa Halalan 2016.
By Meann Tanbio