Sinimulan nang ilibing ng Colombia ang mahigit sa dalawang daang (200) nasawi sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa, nitong weekend, habang patuloy pa ang paghahanap sa iba pang biktima.
Ayon sa mga awtoridad, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, lalo na at karamihan sa mga ito ay naaagnas na.
Bilang pag-iingat ay sisimulan na rin ngayong araw ng pamahalaan ang pagbibigay ng bakuna kontra infectious diseases.
Isinisi ni Colombian President Juan Manuel Santos sa climate change ang insidente, at sinabing natanggap ng probinsya ang isang – katlo ng ulan para sa buong buwan, sa isang gabi lamang.
By Katrina Valle