Naipit sa Matnog Port sa Sorsogon nitong Lunes ang mahigit sa 200 na biyahero dahil sa bagyong Jolina.
Ayon sa Philippine Ports Authority kinansela ng Philippine Coast Guard o PCG ang byahe papuntang Visayas at Mindanao dahil sa masamang panahon.
Ala una ng hapon ng palabasin sa pantalan ang mga stranded na pasahero at sasakyan para mailikas sa evacuation center ng LGU.
Kabilang sa naantala ang 89 trucks, 22 light cars at 222 na pasahero.