Mahigit 2,000 na ang na istranded sa ibat ibang pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Ursula.
Ayon sa Philippine Coast Guard, may kabuang 23,000 na ang mga pasahero na nasa pantalan sa Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visasyas.
Suspendido naman ang operasyon ng 2,184 rolling cargoes, 36 motorbancas, at 170 na barko.
Mayroon namang 74 barko at 5 motorbancas ang humimpil muna sa mas ligtas na lugar.
Tiniyak ng coast guard na mahigpit na ipatutupad ang alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na hindi maganda ang lagay ng panahon.