Mahigit 2,000 pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa nararanasang masamang panahon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may kabuuang 2, 235 na pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Central Visayas at Bicol Region ang hindi pa rin pinapayagang sumakay sa anumang sasakyang pandagat.
Pinakamaraming na-stranded sa Port of Batangas at tatlo pang pantalan sa Mindoro Island, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Ayon sa PAGASA, patuloy na mararanasan ang pag-ulan na dulot ng hanging habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend.