Mahigit 2, 000 petitions for review noong nakalipas na taon ang naresolba ng Department of Justice (DOJ).
Ang nasabing bilang, ayon kay Justice Assistant Secretary Neal Binto, ay pinakamataas sa nakalipas na tatlong taon.
Sinabi ni Binto na higit na mataas ang naresolbang petitions for review sa 2019 kumpara sa halos 1, 800 na naresolba noong 2017 at mahigit 500 noong 2018.
Ang petitions for review ay inihahain sa Office of the Secretary ng DOJ para mabaligtad ang resolusyon ng kaso na inihaian sa piskalya.