Pumalo sa higit 20,000 katao ang humabol sa biyahe sa mga pantalan sa bansa bago sumapit ang Bagong Taon.
Ayon sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) –23, 865 ang kabuuang bilang ng mga pasahero.
Anila, ang bilang ay nakuha mula alas-6 ng gabi hanggang alas-12 ng madaling araw.
Samantala, pinakamaraming pasahero pa rin ang naitala sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot sa 6, 537.