Tinatayang nasa higit 200,000 katao pa ang nananatili sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) aabot pa sa 61,900 na pamilya o nasa 228,000 na katao ang nasa mga evacuation centers.
Kaugnay nito, umabot na sa 44,033 ang mga kabayahang napinsala ng bagyo.
Sa naturang bilang, 14,064 sa mga ito ang itinuturing na hindi na puwedeng mapakinabangan o totally damaged, at 29,969 bahagyang naapektuhan.