Masasabing mabunga ang official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), umabot na sa 200,000 job opportunities ang naiuwi ni Pangulong Marcos para sa mga Pilipino.
Based sa updated investment leads ng DTI, nakalikha ng 7,100 job opportunities ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia noong September 4 to 6, 2022. Higit naman sa 14,900 ang nakalap niyang job opportunities sa Singapore noong September 6 to 7, at 98,000 sa New York, USA noong September 18 to 24.
Dagdag pa rito, noong November 16 to 19, 2022, bumisita si Pangulong Marcos sa Thailand kung saan nakapag-uwi siya ng 5,500 job opportunities. Noong December 2022 naman, higit sa 6,480 at 730 job opportunities ang nakuha ng Pangulo mula sa kanyang official trips sa Belgium at Netherlands respectively.
Para naman sa taong 2023, inaasahang makalilikha ng higit 32,700 na trabaho ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa China noong January 3 to 5; 24,000 na trabaho mula sa Japan noong February 8 to 12; higit sa 6,380 na trabaho naman mula sa Washington, D.C. noong April 30 to May 4; at higit sa 8,360 mula sa Malaysia noong July 25 to 27.
Samantala, noong September 14 to 17, bumisita si Pangulong Marcos sa Singapore kung saan nakapag-uwi siya ng 450 job opportunities; 2,550 naman mula sa US noong November 14 to 17; at 15,750 mula sa kanyang pagbalik sa Japan nito lamang December 15 to 18.
Bukod sa job opportunities, may mga ipinatupad na batas at programa rin ang administrasyong Marcos, kabilang na ang Republic Act 11962 o Trabaho para sa Bayan Act at Food Stamp Program, upang mas mapaunlad ang sektor ng paggawa sa bansa.
Sa mga pagsisikap ni Pangulong Marcos na makapagbigay ng high-quality at well-paying jobs para sa bawat Pilipino, maaaring maging posible ang hangarin niyang magkaroon ng mas matibay at mas maunlad na kinabukasan ang bansa.