Mag-aangkat ang National Food Authority o NFA ng mahigit 200,000 toneladang bigas sa Vietnam, Thailand at Cambodia sa susunod na buwan.
Sinasabing ito’y bilang paghahanda ng NFA sa inaasahang manipis na ani ng mga magsasaka sa nalalapit na harvest season.
Una nang inatasan ni Pangulong Noynoy Aquino ang NFA na mag-angkat pa ng mga karagdagang na bigas ngayong taon sakaling tumindi ang El Niño at mapinsala ang mga pananim.
By Jelbert Perdez