Mahigit 20,000 housing units ang idinagdag sa paunang listahan ng pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Visayas.
Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, chairperson ng Task Force Yolanda bilang tugon ng gboyerno sa apela ng local government units na dagdagan ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda.
Sa naturang bilang mahigit 8,000 ang itatayo sa Western Visayas at halos 13,000 units naman sa Eastern Visayas.
Tiniyak din ni nograles na makukumpleto ang pagtatayo ng mga nasabing housing units bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Batay sa huling datos ng National Housing Authority hanggang nitong Oktubre 25 natapos na ang 135, 189 housing units base na rin sa revised housing needs assessment habang 32, 222 units naman ang ginagawa pa.
Sinabi ni Nograles na bukod sa legal challenges nagiging sagabal ang institutional challenges bukod pa sa nagkaruon ng bahagyang hindi pagkakaintindihan na kaagad namang naresolba para matuloy ang housing project.
November 8, 2013 nang tumama sa bansa ang itinuturing na deadliest at pinakamalakas na bagyo na nakaapekto ng labos sa Leyte at Eastern Visayas.