Umabot sa mahigit 200k indibidwal o halos 51k pamilya sa anim na rehiyon ang naapektuhan ng hagupit ng hanging habagat.
Ayon sa NDRRMC ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Aabot naman sa mahigit 38k katao ang nananatili sa mga evacuation centers.
Habang nasa mahigit 200 Barangay naman ang binaha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng hanging habagat.