Pumalo na sa kabuuang 237,363 ang mga overseas Filipinos ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilalim ng kanilang repatriation efforts dahil sa epekto ng COVID-19.
Ito’y makaraang mapauwi ng ahesya ang higit sa 37,000 na mga Pilipino abroad noong nakaraang buwan.
Sa kabuuang bilang, aabot sa 77,326 na mga Pinoy abroad o 32.58% ang sea-based habang 160,037 o 67.42% sa mga ito ang land-based.
Samantala, sa pagtataya ng kagawaran, inaasahang mapapauwi pa nila ang higit sa 100,000 na mga Pinoy abroad bago matapos ang taon.