Nasa 260,000 persons with disabilities (PWD) ang nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng cash for work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinatayang isang bilyong piso ang inilaan ng DSWD para sa nasabing programa na tinawag na Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan (BUHAYNIHAN) cash-for-work for PWD.
Sa ilalim nito, anim hanggang sampung araw magtatrabaho o community work ang mga PWD at sasahod batay sa daily wage ng 2022 Regional Daily Wage Rate sa kanilang rehiyon.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na ilapit ang programang gobyerno sa mga PWD. —sa panulat ni Hannah Oledan