Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng higit 269K dengue cases sa bansa nitong Setyembre, mas mataas ng 82% kumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon na mayroon lamang higit 147K na kaso.
Batay sa datos ng DOH, 702 katao na ang nasawi ng dahil sa dengue, kung saan may case fatality rate ito ng 0.26%, mas mababa kumpara sa 0.37% na CFR noong nakaraang taon.
Hinikayat naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na maging alerto sa paligid at ipagpatuloy ang preventive measures kontra dengue lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Dagdag pa ni Secretary Herbosa, sakaling makaranas ng sintomas ng dengue ay agad magpatingin sa doktor. - sa panulat ni Alyssa Quevedo