Nasa 27 milyong estudyante na ang naka-enroll sa basic education.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) , umabot na sa 27,232,095 na estudyante ang opisyal ng nakalista sa elementarya hanggang sekondarya para sa school year 2021-2022.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 3.8% kumpara sa nakarehistro na 26 milyong mag-aaral nuong nakaraang taon sa ilalim ng distance learning matapos suspindihin ang face to face classes sa bansa.
Paliwanag naman ng kagawaran, kasama sa bilang ng mga naka enroll dito ay ang mga estudyanteng tumigil sa pag-aaral nuong nakaraang taon.
Samantala, nilinaw ng DepEd na hindi pa pinal ang enrollment figure kung saan hindi pa binabago ng higit limang daang paaralan ang kanilang enrollment profile.