Nakahanda na ang higit 200K food packs para sa relief augmentation.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, aabot sa 152.36-M ang halaga ng nasabing food packs.
Dagdag pa ng ahensya na halos 400-M halaga ng non-food items at higit 192.7M naman ng food items ang nakahanda sa kanilang stockpiles.
Naka-standby naman ang pondo ng ahensya na aabot sa 1.6 billion. —sa panulat ni Rex Espiritu