Umabot sa higit 28,000 indibidwal ang lumahok sa ikinasang trabaho negosyo kabuhayan job and business fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Araw ng Kalayaan.
Batay sa datos ng Bureau of Local Employment, 2,405 aplikante ang na-hired on-the-spot habang 9,537 ang ikinokonsiderang natanggap rin sa trabaho.
Nasa 1,163 employers naman ang nakilahok sa job fair kung saan nasa 151,325 na local and overseas na trabaho ang inalok ng mga ito.