Nasa dalawang libong bisita ang nagkumpirma ng kanilang attendance sa ika-2 State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos bukas, July 24.
Ito ang kinumpirma ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco sa panayam ng DWIZ ngayong araw.
Aniya kabilang sa mga nagkumpirma ay ang mga dating pangulo ng Pilipinas tulad nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal Arroyo.
Habang sa ngayon ay si Kabayan Noli de Castro pa lang ang nagkumpirma at tiyak na makadadalong dating Bise Presidente ng Pilipinas.
Kaugnay nito kasama aniya sa mga access ng mga dadalong bisita ang comfort rooms at pagkain o meryendang Pilipino.