Mahigit dalawang libong gasoline station sa Britanya ang pansamantalang sarado dahil umano sa kakulangan ng supply ng produktong petrolyo.
Kinumpirma ng Petrol Retailers Association na numinipis na ang supply ng krudo sa mga gasolinahan dahil sa sobrang laki ng demand sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga apektado ang kabisera na London kung saan halos napakahaba ng pila nagpapa-karga sa ilang natitirang gasolinahan.
Nakadagdag din sa krisis ang kakulangan ng mga truck driver.
Samantala, nagdeploy na ang British government ng mga sundalo upang magmaneho ng mga fuel tanker na magsusupply sa mga natutuyot na gasolinahan. —sa panulat ni Drew Nacino