Lumobo pa sa 500,000pamilya o katumbas ng higit 2 Mindibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa buong bansa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am, aabot na sa 75,168 na pamilya o katumbas ng 297,341 na indibidwal ang nananatili sa 3,028 evacuation centers.
Mayroon ding 53,544 na indibidwal ang lumikas rin at pansamantalang nakitira sa mga kaanak o kakilala.
Umakyat naman sa 852 kabahayan ang napaulat na totally damaged habang nasa 2,212 ang partially damaged.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng dswd ng ayuda sa mga apektadong lugar.
Katunayan, aabot na sa higit ₱51-milyon ang halaga ng relief resources na naipaabot nito katuwang ang LGUs at NGOs sa mga biktima ng kalamidad.