Panibagong batch ng Pfizer-Biotech at Sinovac COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa kahapon.
Unang dumating ang 883,350 doses ng Pfizer na donasyon mula sa Covax facility at bago mag-alas sais ng gabi ay lumapag naman ang eroplanong may dala ng 2.5 million doses ng Sinovac vaccine.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ipamamahagi ang mga naturang bakuna sa calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, at Davao Region.
Sa ngayon, aabot na sa mahigit 74.7 million doses ng COVID-19 vaccine ang kabuuang suplay ng bakuna na natanggap ng Pilipinas. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico