Dumating sa bansa kahapon ang karagdagang 3,191,040 doses ng Astrazeneca COVID-19 vaccine.
Bahagi ito ng 5.2 million doses ng bakuna na donasyon ng United Kingdom sa pamamagitan ng Covax at UNICEF.
Nagpasalamat naman si National Task Force Against COVID-19 Head of Strategic Communications on Current Operations Assistant Secretary Wilben Mayor sa natanggap na donasyong bakuna.
Kasabay nito, muling nanawagan sa publiko si Mayor na makiisa sa National Vaccination Drive na isasagawa mula November 29 hanggang December 1. —sa panulat ni Hya Ludivico